top of page
Search

Mithi ng Pag-ibig

  • Writer: Jose Monzon
    Jose Monzon
  • Dec 6, 2020
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021


Sa isang nilalang aking hahanapin

Manga katangiang kaparis ng akin.

May bait at talino at maunawain

Higit pang malawak ang kanyang damdamin.

Kung sa kalungkutan ako’y dumadaing

Kung may kasiyan, may galak na angkin.



Kung maramdaman ko at maunawaan

Ang alituntunin, kanyang kalooban

Walang atubili’t walang alinglangan

Aking tatanggapin pag-ibig n’yang alay

Di palalampasi’t mahalaga iyan

Kaysa makamundong hilig nitong laman.



At kung lumipas na’t nagtatakip-silim

Ang siklab at init ng pag-ibig naming

Pag-lubog ng araw ang nakakahambing,

Sa iiwang bakas ay aaninagin

Nag-daang kahapong kay hirap limutin

Na ‘di mawawaglit sa aking damdamin.



Sa mundo ang lahat ay may katapusan

Tulad ng pagsikat-pag-lubog ng araw

Sa buhay kong ito, hindi kailangan

Na laging marinig ang mga katagang

“Iniibig kita, ika’y aking mahal”

Ang mag-papatunay ay ang karanasan.



Composed by Jose Monzon on January 27, 2008













 
 
 

Comments


bottom of page