top of page
Search

Mga Birong Pinoy sa Wikang Tagalog

  • Writer: Jose Monzon
    Jose Monzon
  • Dec 6, 2020
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021


“Subsitute"



Isang hating gabi and patrol na pulis

Magandang dalaga; pistura ang bihis

Ay kanyang sinita’t tinanong na pilit

Nag-uumaga na bakit s’ya nasa street.



Prostitute lamang ang nag-sisi gala

Sa oras na itong tahimik ang madla

“”Ikaw ba’y prostitue “ang tanong na bigla

Sinitang dalaga biglang natulala.



Ang kanyang ‘sinagot., “Hindi po, mang pulis”

“Ako po ‘y “substitute” si Nanay maysakait

Mayron po s’yang regla’t di po makaalis

Kaya sapag-kayod ako‘y ipinalit.



Apat Lang



Si President Erap nang nangangampanya

Inabot ng gutom nang isang umaga

Sila ay nag-daan sa ang “Magoo‘s Pizza

Nag-order si Erap ng para sa kanya.



“Hahatiin ko po ba sa apat o walo

Ito pong order na para sa inyo“

Tumawa si Erap, ang sagot ay ito.

“Sa apat na ‘lang, busog pa rin ako

Baka di maubos kung iyan ay walo.”


 
 
 

Comments


bottom of page