top of page
Search

Kung Ako’y Iibig.

  • Writer: Jose Monzon
    Jose Monzon
  • Dec 6, 2020
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021


Sa isang nilalang aking hahanapin

Mga katangiang kaparis ng akin.

May bait, talino at maunawain;

Higit pang malawak ang kanyang damdamin.’

Kung nalulumbay at naninimdim

May sigla’t may ngiti akong aaliwin.



Kung maramdaman ko at maunawaan

Ang alituntunan, kanyang kalooban

Walang atubili’t walang alinlangan

Aking tatanggapin pag-ibig n’yang alay.

‘Di palalampasi’t mahalaga iyan

Kay sa makamundong hilig nitong laman.



At kung limipas na at nag-takip-silim

Ang siklab at init ng pag-ibig namin

Paglubog ng araw ang nakakahambing,

Sa iniwang bakas ay aaninagin

Nag-daang kahapong hindi lilimutin

At ‘di iwawaglit sa aking damdamin.



Sa mundo ang lahat ay may katapusan

Tulad ng pag-sikat-pag-lubog ng araw.

Sa buhay kong ito, hindi kailangan

Na laging marinig ang mga katagang

“Iniibig kita, ika’y minamahal.”

Ang mag-papatunay ay ang nakaraan.



Composed by Jose Monzon on Sept 24, 2009


 
 
 

Commentaires


bottom of page