top of page
Search

Ang Huling Habilin

  • Writer: Jose Monzon
    Jose Monzon
  • Dec 6, 2020
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021


Huwag ika-lungkot ang aking paglisan

Tawag ng Maykapal aking pinakinggan.

Kanyang hinawakan itong aking kamay

At inakay akong langit ang talakay..



Hindi ko malingon ang pinanggalingan

Kahit ‘di ko gustong kayo ay maiwan.

Lumuluha ako’t sakbibi ng lumbay,

“ Di tapos na gawa pilit na naiwan.



Kung ang paglisan ko ay mayo’ng naiwan

Sa pitak ng pusong ngayo’y walang laman

Masayang gunita ipuno na lamang

Ang nag-daang araw sa piling n‘yo hirang.



Ang lahat na iyan, mga gunitain

Masasayang araw na kayo’y kapiling

Hahanahanapinpin,‘di ko lilimutin

At sa alaala’y ikikintal pa rin.



At kung mahapdi man sa inyong damdamin

Ang aking pag-lisang ‘di n’yo akalain

Huwag mag-hinagpis at inyong tantuin

Tahimik na ako sa Diyos na piling.



Composed by Jose Monzon on January 28, 2008

 
 
 

Comentarios


bottom of page