Ang Bandila ng Bayan Ko
- Jose Monzon
- Dec 6, 2020
- 1 min read
Updated: Jan 8, 2021
Natutuwa ako at puso”y mag galak
Wala nang sa ating Bandila’y yayapak.
Bandilang BAYANI ang nag-sipag-akyat
Upang tingalain ng buong pagliyag.
Ang Bandila ay sagisag-kalayaan ng Bayan ko
Kinilala at natanyag bawat sulok nitong mundo
Iinanghal, “winagayaway ng bayani ng bayan ko
Na nag buwis-buhay upag kasarinlan ay ating matamo
Ako ay nalungkot nang masaksihan
Na sa Plasa nitong aking Bayan
Ang sagisag nitong ating kalayanan
Sa halip tingalain at ating igalang
Sa hapag ng Plaza;y ay pinag- yayapakan.
Hindi ko matarok ang laman ng utak
Nakara’ng pamunuan ng Imus kong Liyag
“Flag Capital of the Philippines” Imus naging bansag”
Upang dustain ba ng bawa’t yayapak?
Salamat sa ating bagong pamunuan
Ang banidla natin ‘di na tatapakan
Salamat sa iyo, Homer Saquilayan
Ibinalik mo ang bandilang dangal.
Composed by Jose Monzon
Comments