top of page
Search

Ang Aking Akala

  • Writer: Jose Monzon
    Jose Monzon
  • Dec 5, 2020
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021


Kaya kong limutin, ang aking akala

Nag-daang kahapon na lipos ng tuwa

Sa dahon ng aklat ng aking gunita

Ay pinunit ko na mga ala-alang doo’y nakatala.



Ang aking akala, kaya kong limutin

Nag-daang kahapon na sariling atin

Tuwa at ligaya puno ang damdamin

Ang iyong pag-ibig ay hindi kukupas at di mag-mamaliw.



Ang aking akala ang sawi kong puso

Ay kayang tiisin ang sakit ng timo

Tumarak na punyal nitong pag-kabigo

Mula nang malamang di na mapipigil ang iyong paglayo..



Ang aking akala ay kayang tiisin

Ng dibdib kong wasak pasakit sa akin

Ng aking malamang may iba kang giliw

Na siyang dahilan , puno at dulo ng ‘yong pag-tataksil.



Ang aking akala panaho’y darating

Ika’y mag-babago’t babalik sa akin

Luluha’t luluhod , saka sasabitin

“Nag-kasala Mahal, ako’y nag-sisi, sana’y patawarin.”



Panaho’y lumipas, taon ang binilang

Pag-sapit ng gabi laging nag-darasal

Kawalang pag-asa’y hindi bumubukal

Sa abang buhay kong ang tanging pangarap mag-balik ka lamang.



Composed by Jose Monzon

 
 
 

Comments


bottom of page