Alitaptap
- Jose Monzon
- Dec 5, 2020
- 1 min read
Updated: Jan 8, 2021
Ang iyong pag-ibig,
Ang iyong pag-ibig ang nakakatulad
Ay isang kulisap,
Ay isang kulisap, munting alitaptap.
Ikaw ay may ilaw,
Ikaw ay may ilaw na aandap-andap.
Tulad ay bituin,
Tulad a bituin bahagya liwanag.
Ang iyong pag-ibig,
Ang iyong pag-ibig ang nakakatulad
Ay kikislap-kislap,
Ay kikislap-kisap isang alitaptap.
Sa dilim ng gabi,
Sa dilim ng gabi kukutikutitap
Hindi maasahan
Hindi maasahan ang iyong liwanag.
Pag-lubog ng araw,
Pag-lubog ng araw naririto ikaw.
Kapag-nagliwanag,
Kapag-nagliwanag ikaw ay nasaan?
Iyan ang katulad,
Iyan ang katulad alitaptap lamang.
Mamatay-mabuhay,
Mamatay-mabuhay, pag-ibig mo’y ganyan.
Ika’y alitaptap,
Ika’y alitaptap, isang salawahan.
Ika’y alitaptap,
Ika’y alitaptap, ‘di dapat patulan.
Ika’y alitaptap,
Ika’y alitaptap, isang salawahan
Ika’y alitaptap,
Ika’y alitaptap, ‘di dapat patulan.
Composed by Jose Monzon
Comments